Blogger Tricks Blogger Tricks

Monday, December 28, 2015

Kill them with Kindness ☺



Alam mo yung nakakainis sa mga tao? Especially sa mga taong walang magawa kundi asarin ka araw-araw, i-bully ka araw-araw, badtrip-in ka araw-araw. Sobrang nakakainis diba? Di na tuloy maaalis yan sa mundong ibabaw. Yung tipong, kahit saan ka pumunta meron mga katulad nila. Para sa kanila, kapag nagbibitiw sila ng salita,Joke lang lahat. Pero they didn't even notice na may nasasaktan na pala sila. Kapag kinomfront mo naman sila, ikaw pa magiging masama. Minsan, tinatanong ko sa sarili ko, May mali ba sakin? Hindi na ba ako pwede maging sensitive pagdating sa mga binibitawan nilang salita? Kailangan ba sila nalang lagi yung sensitive? 
Ako bawal na? Ang hirap! Sa totoo lang, natatapakan na nila yung pagkatao ko, kapag hindi ko sila pinatulan. Mas lalo nila ako ibu-bully, mas lalo nila papakelaman yung buhay ko, Kapag naman, pinatulan ko sila, Sila pa yung galit? The question is, San ba ako lulugar? Ni ultimo, damit ko pang araw araw, papakelaman nila, kahit wala akong ginagawa, papakelaman nila ako. Ba't ba may mga taong nabubuhay na ganun yung mga ugali nila? Lagi ko tinatanong sa sarili ko, Pano ko ba sila papatulan yung tipong mananahimik na sila sa pangengelam sa buhay ko. Yung kahit na i-bully nila ako, laitin nila ko, sila yung maapektuhan hindi ako, Habang tinatanong ko ang sarili ko, One person advised me, "Kill them with Kindness" I asked why? Kasi, the more papatulan mo sila, the more na mababadtrip ka sila, the more na sinasabayan mo yung mga trip nila, the more ka din nila mas lalong gagalitin, mas matutuwa pa sila,  
Kill them with kindness, Bury them with a smile- Kasi kapag ganyan ang pinakita mo sa kanila, sila naman yung mababadtrip, sila naman yung maiinis, sila naman yung maapektuhan, sila naman yung mababadvibes araw araw, kasi iisipin nila, di na tumatalab yung mga ginagawa nila sayo. Wala, wala ng epekto. Kaya, imbes na magmukmok ka dyan at patulan sila tulad ng mga ginagawa nila, just smile at them, then prove to them na iba ang level mo sa kanila, Kung pinapababa na nila yung pagkatao mo, huwag mo hayaan, Iangat mo yung sarili mo,


Then i have realized, Tama nga naman, why shoud i waste my time sa mga taong, di ko naman ka level, Yung mga ugali nila, ugaling Insekyora, Ugaling skwater,

Pero isa lang yung pinangako ko sa sarili ko, I'll do what that person advised to me, pero kapag sobrang sobra na talaga sila, Papatulan ko sila pero yung level pang edukada :)


PS: Nasa sa inyo, if you would go for me or not, this is just base on my experience, Ayoko kasi na, may pumarehas pa sakin. Alam nyo naman na yung gagawin. :)


No comments:

Post a Comment