Blogger Tricks Blogger Tricks

Sunday, January 17, 2016

Imposible Dream

Photo Credits: to the owner.
 Siguro nga napaka imposible na magkatotoo ang isang panaginip. Sabi nila lahat daw ng panaginip ay kabaligtaran sa totoong buhay. Sana lang may fairy ng mga dreams, 'no! Kung meron man, sana mabigyan ako ng chance na makapag wish sa kanya! Isang wish lang. Tapos kapag natupad yun, siguro. Isa na ako sa pinaka na pinaka masayang at pinaswerteng babae sa mundo. Ano yung wish ko? Hmm. Na sana yung lalaki dun sa panaginip ko sana sya nalang for real, na sana totoo sya, na sana nag-e-exist nga sya dito sa mundong ibabaw, sana di nalang sya panaginip..... Haaay! Kasi naman e, bakit ka pa pumasok sa panaginip ko. Yan tuloy hanggang ngayon di pa rin kita makalimutan. Umaasa tuloy ako na sana totoo ka nalang kahit alam ko naman napaka imposible! Nakakainis, You're just a dream but iba yung impact mo sakin! I can't get enough with you! Alam mo bang, gusto ko nalang na matulog buong araw dahil gusto ko ituloy yung "tayo" sa panaginip. Ang hirap nya ikwento ng detalye, pero gusto ko talaga ilagay dito sa blog ko, para kung sakali dumating yung panahon na makalimutan ko na yung mukha mo, maaalala ko pa rin habang binabasa ko to.

Siguro kung in real life yun nangyari. Sobrang swerte ko na talaga! Paano ko ba sya ikwekwento, ang hirap kasi. Hmmm. Ganto, Di ko alam kung saan tayo nagmeet basta isang araw nalang daw, sobrang saya daw natin dun sa party. di ka nagsasalita, may dala kang pentel pen and paper, lahat ng gusto mo sabihin sinusulat mo in short pipi ka. Pero kahit ganun, di daw kita iniwasan, instead mas naging close pa tayo, ang bait bait mo daw sakin, pati family mo mabait sakin. Tapos ewan  bakit biglang nag fast forward ng very very light, nagkaintindihan na daw tayo nun, feelings are mutual. tapos biglang may pumasok sa eksena, ewan ko kung sino yun basta para sobrang malapit daw sakin? Ex ko siguro? Ewan medyo blurred kasi yung face nya, pero ikaw ang linaw linaw. sobrang gwapo mo, maputi, matangos ilong, matangkad. :) Hehe --- O yun, tapos basta bigla pumasok sya sa eksena, ang kulit nga e, biglang pinapapapili nya ako kung sino daw pipiliin ko sa inyong dalawa. Syempre nawindang daw ako nun. di ko alam sino ba, nag isip daw ako na nag-isip ng mabuti, Alam mo ba, nagdalawang isip pa daw ako nun, kasi kung ikaw yung pipiliin ko, di ko alam mangyayari kasi nga diba pipi ka, tapos sya hindi, tapos basta parang ang hirap daw nun, tapos ilang araw di ako nagpakita, yung huli natin daw kita, nagsulat ka sa papel ng "I love you, sana ako piliin mo" Tapos, yun nga, nakita ko daw yung isang tropa natin, sabi nya iyak ka daw ng iyak, kasi daw iniisip nya na yung isa na daw yung pinili ko hindi daw ikaw. tapos alam mo ba, dun mismo sa kanya mismo, sinabi ko, "Wala, hindi ko pinili yun, Ikaw yung pinili ko"Nalaman mo daw yun! Nagkita daw tayo nun, sinurprise daw kita, ang saya saya mo daw, niyayakap mo daw ako, tapos alam mo ba bigla ka daw nagsalita? Haha kulit no? Di ka naman pala talaga pipi daw, ayaw mo lang talaga magsalita. Tapos yun, naging tayo na daw, nagpakasal pa nga daw tayo e. tapos andami daw natin pinuntahan na lugar sa probinsya, kung saan saan, tapos boto daw yung parents mo sakin.

Diba ang saya? E kung sa totoong buhay yung nangyayari sakin? Diba ang saya ko na? Swerte ko pa? Nasaan ka ba? Sana totoo ka na lang! :/ Haaaay!

Sana nababasa mo to, sana same lang din yung panaginip mo sa panaginip ko. Sana nga tayo nalang!

No comments:

Post a Comment