Blogger Tricks Blogger Tricks

Monday, February 29, 2016

For my Kalogs,..

February 29,2016 (#LeapYearLunes)

Paano ko ba uumpisahan 'to? Di ko talaga alam kung ano yung mga sasabihin ko, Basta gusto ko lang, malabas 'tong nararamdaman ko, (kaya ko pinopost 'to sa blog ko). Kung mabasa man to ng taong dahilan kung ba't na-ipost ko ito, Super ma-a-apreciate ko talaga sya. Yup, nahihiya talaga ko sabihin sa kanya ng personal, Di ko din alam kung bakit e.

Kalogs, Killersmile.. 
Unang una, maraming salamat, Salamat kasi pinahalagahan mo yung pagkakaibigan natin, kahit di tayo nagkasama noon ng matagal, Yes, aaminin ko, nakalimot ako sa pagkakaibigan natin, pero hindi naman kita nakalimutan, Thanks talaga sa imo, Inisip ko kasi na, sus, yun magpapahalaga ng pagkakaibigan? Parang di naman. pero mali ako, mali talaga ko. Sorry kung wala kang natanggap sakin na mga messages, tawag, reply sa text and chat mo. Sorry kung di kita pinapansin nuon. sorry talaga sa lahat. After 3 years na wala akong paramdam sayo, di mo pa rin ako sinukuan na i-text or chat, hinanap mo pa rin yung number ko, para lang magkaroon ka ng contact sakin, Nagi-guilty ako sa ginawa ko, Im really sorry,

February 20,2016 (Nakita ulit tayo)Yung time na nagkita ulit tayo, sa totoo lang parang wala lang naman talaga yun sakin e, wala tropa lang talaga, yung normal lang na nagkikita yung magtropa. Pero alam mo ba na, biglang nag iba lahat? (Pero di pa naman ako inlove haha) May weird feeling lang ako naramdaman, lalo na yung sobrang daldal mo na, lalo na yung nagkwekwento ka na, yung sinusumbat mo na sakin yung 3 years na wara ako nahimo para kausapin ka, bigyan ka ng atensyon, habang sinasabi mo lahat sakin yun, nalungkot ako, ang sama sama ko palang kaibigan, pero thank you kasi di ka naman nagalit sakin.Tapos nakakgulat ka pa kasi bakit may mga halo na yung mga sinsabi mo sakin, akala ko about friendship lang pero, bakit parang may halong alam mo na? Den dun ko na-gets haha. Seryoso? Hindi nga! Parang di naman?! Yan, yung mga tumatakbo sa isip ko hanggang ngayon.

February 25,2016 (Nagkita ulit tayo), Sabi ko sayo e! Babawi ako, diba, tanda ko na :)) Hehe.
Eto yung araw na nagkita na naman tayo ng wala lang, wala sa plano, haha, dun unti-unti na kita nakikilala, kung gaano ka kadaldal talaga, ka masiyahin, palatawa, pala kwento, and gusto ko sya, gusto ko yung ugali mong ganun, Kalogz, napapatawa mo ako, yung tawa talaga, lahat ng kwento mo sakin, nasasabayan ko. Tapos yung nagdecide ka na ihatid ako pauwi? Sabi ko sa sarili ko, Wow, Tapang ha! Sure sya? Sasama sya? At sumama ka nga, bilib na talaga ko sayo..

February 28,2016 (Unforgettable Day) Kalogs! Dito mo ako napa bilib alam mo ba yun? Sobrang wow, Binago mo lahat, binago mo ako! Ang hirap i-explain nung nararamdaman ko nung nagkita ulit tayo that day at nagsama, Pinatawa mo na naman ako ng buong araw, ang sarap sarap mong kasama, Parang ayaw ko matapos yung araw na yun, alam mo ba yun? Tapos nung hinatid mo ulit ako sa bahay, sobrang ang tapang mo ha, hinarap mo talaga sila papa at mama, Sa lahat ng sinabi nila, pinakinggan mo, sa lahat ng tanong nila sinagot mo, Ano pa ba mahihiling ko diba? Sabi ko nga sayo Plus points ka na sakin... 

Pero-------


Tama ba lahat ng nararamdaman ko sayo Kalogz? Tama bang mahulog yung loob ko sayo? Oo yung pagiging magkaibigan natin, hindi mawawala yun, andun pa rin yun. pero yung other part ng feelings ko sayo, tama ba lahat yun? Kalogs, nahihiya lang ako itanong sayo? Nakakalito kasi e,

Una, bakit ako? Paano? Kelan?
Pangalawa? Ano ba yung pinapakita mo sakin? Pinaparamdam? Morethan friends ba? Or bilang friends ang talaga?
Pangatlo, Totoo ba lahat ng pinapakita mo at pinapadama mo? Baka kasi lahat yun Joke lang pala, baka maniwala ako! :(

Kalogz, Alam mo naman yung past ko diba, nakwento ko na sayo yun, sana lang wag mo paglaruan yung feelings ko!

Alam mo bang, ang sarap sa feeling nung "Bestfriend turn to Lovers" Sana parehas tayo ng gusto, sana ganun din ang gusto mo, Na kahit tayo as bf/gf, Mag bestfriend din tayo at the same time.


Alam mo ba kalogs, sa araw araw na katext, kausap, kakwentuhan at kung ano ano pa na ginagwa natin dalawa, nagpray ko kay lord, sabi ko lord, bigyan mo ko ng sign, yung sign na makakapagpatunay na sya na talaga (Ikaw yun), Promise ko, Mamahalin ko sya higit pa ng pagmamahal ko sa nakaraan ko, lahat ng atensyon at effort gagawin ko, basta bigyan nyo lang po ako ng sign na sya na talaga yung binigay mo para sakin. Di ko alam kung totoo, pero Kalogz, Nagkatotoo sya! Yesss. yung sign na yun, Nagkatotoo. 

Tapos alam mo ba sabi ko pa nun sa isa kong kaibigan, Kapag merong lalakin, magiging reason para kalimutan ko yung taong sinaktan at minahal ko ng todo noon, kapag dahil sa kanya, nawala lahat ng naramdaman ko sa lalakeng yun *Sa past ko* Sabi ko sa sarili ko, mamahalin ko sya, sya na talaga, hindi ko sya papakawalan at iiwanan, Alam mo ba Kalogz, Ikaw yun nakagawa non? Ikaw lang, bakit? Kasi ikaw na yung naiisip ko, gabi gabi, ikaw na yun inaantay ko magtetext sakin. basta ikaw yun!

---

Kalogs, Hindi ko talaga maintindihan kung ano yung nararamdaman ko sayo, nung tinanon mo ako kung pang matagalan ba yun o pang madalian lang, napaisip ako, ano nga ba? Kalogs sana tama tong nararamdaman ko sayo, Di mo naman kelangan magbago ng sarili mo eh, wala akong pakelam kung di ka marunong mag english, wala akong pakelam kung hindi ka super gwapo, Kalogz, gusto ko yung totoong ikaw, yung lahat ng pinapakita mo saking maganda, lahat yun nagustuhan ko sayo, Kalogz, napapatawa mo ako, inaalis mo yung lungkot ko, kalogz napupunan mo yung pagmamahal na gusto ko maramdaman, Kalogz di mo kelangan magbago para pumasok sa mundo ko, Eh ano kung mga kasama ko mga sosyal, english speaking, dun ko narealize na hindi dapat ganun, mas gusto ko kasama kita kesa sa kanila, mas gusto ko ipakilala ka sa ganyan ka, hindi yung nagbabalat kayo ka lang, mas magugustuhan ka nila kung pinapakita mo yung totoong ikaw, sobrang sarap mong kasama,

Kalogs.basta dyan ka lang ha! Kaibigan man o boyfriend ko, basta dyan ka lang ha!


May isa pa pala akong, gusto marining,..


MAHAL MO BA AKO? Kasi ako, Oo, nag uumpisa ng Mahalin ka!


- TF, Topakz ♥